Project

bato

0.12
Low commit activity in last 3 years
No release in over a year
Bato Programming Language
2005
2006
2007
2008
2009
2010
2011
2012
2013
2014
2015
2016
2017
2018
2019
2020
2021
2022
2023
2024
 Dependencies

Development

~> 2.2.19
~> 13.0.6
~> 3.10.0

Runtime

~> 2.4.4
 Project Readme

Bato

Ang Bato Programming Language ay isang scripting language sa wikang Filipino.

Ang layunin ng proyektong ito ay upang mag turo ng Computer Programming sa wikang Filipino, sa madaling maintindihang wika upang matutuhan ito.

Subukan ang Bato interactive online console.

Media

Pagtatalaga

Kailangan mo munang i-install ang Ruby programming language (version 3.0.1 o mas bago) at pagkatapos maitalaga ang Ruby, i-run naman ito

gem install bato

Bakit Bato?

Ang bato ay hango sa Ruby Programming Language na may Filipino sintaks. Ang kadahilanang ginamit ang pangalang 'bato' ay dahil ang Ruby ay isang uri ng bato.

Ang unang program

Gumawa ng isang file na kamusta_mundo.bt na may mga sumusunod na nilalaman

kapag 1 > 0
  mag_print "Kumusta mundo!"
kung_hindi
  mag_print "Mayroong sira"
wakas

at pa-andarin ang program sa pamamagitan ng

bato kamusta_mundo.bt

Sintaks

Pagsusulat

"Ito ay mga serye ng mga sulat sa wikang Filipino"
<<-KATAPUSAN
  mga salita
  na nahahati
  sa ilang mga hilera
KATAPUSAN

Dinikit na mga pamamaraan

'magandang araw'.baliktad         # => 'wara gnadnagam'
'Pangungusap'.haba                # => 11

Ekspresyong Boolean

tama
mali
hindi tama

Kondisyon

Paggamit ng kondisyon.

halaga = 100

mensahe = kapag halaga > 100 dapat
 "ayos lang"
kung_kapag halaga > 0 dapat
 "ok lang"
kung_hindi
 "wala lang"
wakas

mag_print mensahe

mensahe = 
  kung_sakaling halaga
  pagka 5 dapat "lima"
  pagka 4 dapat "apat"
  kung_hindi "wala"
  wakas

mag_print mensahe

Pamamaraan sa pagkakamali

NOTE: Hindi ito gagana sa online compiler, ngunit sa pag i-install lang sa iyon computer. Tignan ang seksiyon na Pagtatalaga

bilang_ng_pagkakamali = 0
simula
  # mag komento kapag hindi sigurado
  1 / 0
iligtas => pagkakamali
  bilang_ng_pagkakamali += 1
  subukang_muli kapag bilang_ng_pagkakamali < 3
  iangat "malubhang pagkakamali"
siguraduhing
  mag_print "Tapos na"
wakas

Panuntunan

ang iprintAngPangalan(pangalan = wala)
  mensahe =
    kapag pangalan != wala
      "Magandang araw sa iyo #{pangalan}!"
    kung_hindi
      "Magandang araw!"
    wakas
  
  mag_print mensahe
wakas

iprintAngPangalan "Maria" # => "Magandang araw sa iyo Maria!"
iprintAngPangalan         # => "Magandang araw!"

Paggamit ng mga ekspresyon ng mga salita sa program

wakas

Maari kang gumamit sa alin sa mga sumusunod sa pagtatapos ng program

wakas
dulo
katapusan

Halimbawa

bilang_ng_saging = 2

mensahe =
  kapag bilang_ng_saging > 1
    "Mayroon akong #{bilang_ng_saging} saging! 🍌"
  kung_hindi
    "Wala na akong saging! 😐"
  wakas

mag_print mensahe

kung_iba

Kapag ang ekspresyon ay hindi nasunod maaring gumamit sa alin sa mga sumusunod

iba
kung_iba
kung_hindi
kung_hindi_naman
kapag_hindi
kapag_hindi_naman
kung_hindi_pa
kapag_hindi_pa
at_kung_hindi
at_kapag_hindi
at_kung_hindi_naman
at_kapag_hindi_naman
at_kapag_hindi_pa
at_kung_hindi_pa
maliban_dito
maliban_sa_mga_ito

Halimbawa

pangalan_mo = "Maliksi"

mensahe =
  kapag_ang pangalan_mo == "Maliksi"
    "Ikaw ay si #{pangalan_mo}!"
  kung_hindi_naman
    "Magandang araw sa iyo #{pangalan_mo}!"
  wakas

mag_print mensahe

sakali

Kapag mayroon kang ekspresyon na madaming resulta gawa ng mga iba't ibang kondisyon, maari kang gumamit ng mga sumusunod

sakaling
sakali
kung_sakaling
sakali_na
kung_sakali_na
kalagayan
kaukulan

Halimbawa

pangalan_mo = "Mabait"

mensahe =
  sakaling pangalan_mo
  ay "Maliksi"
    "Ikaw ay si Maliksi!"
  ay "Matipuno"
    "Ikaw ay si Matipuno!"
  ay "Mabait"
    "Ikaw ay si Mabait!"
  maliban_dito
    "Magandang araw sa iyo!"
  wakas

mag_print mensahe

tiyakin

Kung mayroon kang ekspresyon na gusto mong masunod kahit ano pa ang kahihinatnan nito, gumamit ng mga sumusunod

NOTE: Hindi ito gagana sa online compiler, ngunit sa pag i-install lang sa iyon computer. Tignan ang seksiyon na Pagtatalaga

tiyaking
matiyak
tiyakin
siguraduhing
siguraduhin
panigurado

Halimbawa

simulan
  itaas "May sira!"
agapan
  mag_print "Ipagpatuloy..."
  itaas "May nasira na na-agapan"
tiyaking
  mag_print "Tapos na"
wakas

grupo

Ang grupo ay ang lalagyanan ng mga kabilang na klase sa iyong program

grupo

Halimbawa

grupo Hayop
  KABUUAN = 5

  bilang Aso
    ang tahol
      mag_print "Woof..."
    wakas

    ang kumanin
      mag_print "..."
    wakas

    ang ikembot_ang_buntot
      mag_print "Ginagawa ko ito dahil masaya ako!"
    wakas
  wakas
wakas

dami = 6
browny = Hayop::Aso.kumatawan
browny.ikembot_ang_buntot kapag dami >= Hayop::KABUUAN

ngunit_kapag

Gumamit ng ngunit_kapag kapag mayroon ka pang kondisyon maliban sa nauna ng kondisyon

ngunit_kapag
kung_kapag
ngunit_kapag_ang
kung_kapag_ang

Halimbawa

pangalan_mo = "Masipag"
kapag_ang pangalan_mo == "Matipuno"
  mag_print "Ikaw ay si Matipuno!"
ngunit_kapag_ang pangalan_mo == "Masipag"
  mag_print "Ikaw ay si Masipag!"
maliban_sa_mga_ito
  mag_print "Wala kang rekord saamin!"
wakas

ang

Ang ang ay may kalakip na pangalan upang ito ay matawag sa program

ang
panuntunan
panuntunang

Halimbawa

ang id(estudyante = {})
  pangalan = estudyante[:pangalan]
  edad     = estudyante[:edad]
  tirahan  = estudyante[:tirahan]
  baitang  = estudyante[:baitang]
  seksiyon = estudyante[:seksiyon]

  mag_print <<-KATAPUSAN
    Pangalan: #{pangalan}
    Edad:     #{edad}
    Tirahan:  #{tirahan}
    Baitang:  #{baitang}
    Seksiyon: #{seksiyon}
  KATAPUSAN
wakas

id({
  pangalan: "Maliksi Batubalani",
  edad: "13",
  tirahan: "Ilocos",
  baitang: "6",
  seksiyon: "Masisipag"
})

agapan

Ang agapan ay ginagamit kung mayroon maaaring mangyaring pagkakamali na gusto mong maisalba o mailigtas

iligtas
agapan

Halimbawa

simulan
  1 / 0
agapan
  mag_print "Hindi ito posible!"
wakas

dapat

Kapag mayroon kang ekspresyon na mayroong inaasahan na resulta, gumamit ng dapat

dapat

Halimbawa

panulat_mo = "lapis"

papel = sakaling panulat_mo
  ay "lapis" dapat "bond paper"
  ay "ballpen" dapat "dilaw na papel"
  maliban_sa_mga_ito "intermediate paper"
wakas

mag_print "Ang papel na gagamitin mo ay #{papel}"

magbigay_daan

Kapag ang ekspresyon ay mayroong inaasahang dapat na ibigay na resulta habang gumagana pa ang program, gumamit ng magbigay_daan

magbigay_daan
bigyang_daan

Halimbawa

ang gumawaNgID
  mag_print "------------------------------------------"
  magbigay_daan
  mag_print "------------------------------------------"
wakas

ang ID(impormasyon = {})
  gumawaNgID na_ganito
    mag_print <<-KATAPUSAN
      Pangalan: #{impormasyon[:pangalan]}
      Edad:     #{impormasyon[:edad]}
      Tirahan:  #{impormasyon[:tirahan]}
      Baitang:  #{impormasyon[:baitang]}
      Seksiyon: #{impormasyon[:seksiyon]}
    KATAPUSAN
  wakas
wakas

ID({
  pangalan: "Maliksi Batubalani",
  edad: "13",
  tirahan: "Ilocos",
  baitang: "6",
  seksiyon: "Masisipag"
})

para_sa

Kapag may listahan na nais mong isa isahin, gumamit ng para_sa

para_sa
para_ang

Halimbawa

listahan_ng_mga_prutas = ["mansanas", "mangga", "guava", "santol", "ubas"]
para_sa prutas na_nasa listahan_ng_mga_prutas ganito_gawin
  mag_print prutas.sa_malaking_titik
wakas

subukang_muli

Ginagamit ang subukang_muli upang umikot muli ang ekspresyon kung may sirang nangyari at nais mo ulit subukan pa andarin

subukang_muli

Halimbawa

bilang_ng_pagkakamali = 0
simula
  1 / 0
agapan => pagkakamali
  bilang_ng_pagkakamali += 1
  subukang_muli kapag bilang_ng_pagkakamali < 3
  iangat "malubhang pagkakamali"
siguraduhing
  mag_print "Tapos na"
wakas

ibalik

Kapag mayroon kang ibabalik na resulta sa nagtawag ng ang

ibalik
ibalik_ang
magbalik
magbalik_nang
isauli
isauli_ang
ibigay
ibigay_ang
magbigay
magbigay_nang

Halimbawa

ang magdagdag_ng_isa(halaga)
  idadagdag = halaga + 1
  ibalik_ang halaga
wakas

kapag

Ginagamit ang kapag kung meron kang kondisyon sa iyong ekspresyon

kapag
kapag_ang
kapag_na_ang
kung
kung_ang

Halimbawa

kapag_ang 1 > 0
  mag_print "mas madami!"
kung_iba
  mag_print "may sira"
wakas

bilang

Ang bilang ay ang pagsasabilang ng isang kaukulang klasipikasyon

bilang

Halimbawa

grupo Tinapay
  bilang Donut
    ang flavor
      mag_print 'Strawberry!'
    wakas
  wakas
wakas

tinapay = Tinapay::Donut.kumatawan
tinapay.flavor
=> 'Strawberry!'

habang

Gumamit ng habang kung may hinihintay pa na resulta, kondisyon o pangyayari

habang
habang_ang

Halimbawa

may_buhay = totoo

habang may_buhay
  mag_print 'may pag-asa!'
  hinto
wakas
=> 'may pag-asa!'

alyas

Gumamit ng alyas kung kailangan mo tawagin sa ibang pangalan ang iyong panuntunan

alyas

Halimbawa

bilang Hayop
  ang aso
    mag_print 'si browny ay mabait!'
  wakas
  alyas browny aso
wakas

hayop = Hayop.kumatawan
hayop.browny
=> 'si browny ay mabait!'

nakatukoy?

Ang nakatukoy? ay ginagamit kung kailangan malaman kung umiiral ang isang grupo o klase

nakatukoy?
nakasaad?

Halimbawa

grupo Manggagawa
  bilang Magsasaka
    ang pananim
      ['sibuyas', 'kamatis', 'palay', 'mais'].isaisahin na_ganito |pananim|
        mag_print "Mag tatanim ng #{pananim} ngayong panahon"
      wakas
    wakas
  wakas
wakas

kung nakatukoy?(Manggagawa::Magsasaka)
  mag_print 'May nakatukoy!'
wakas

tanggalin

Ginagamit ang tanggalin kung may tatanggaling panuntunan sa isang klase

tanggalin
magtanggal

Halimbawa

grupo Hayop
  bilang Aso
    ang tahol
      mag_print 'baw waw!'
    wakas
  wakas
wakas

bilang Pusa < Hayop::Aso
  tanggalin tahol
  ang meow
    mag_print 'meow wahu!'
  wakas
wakas

pusa = Pusa.kumatawan

simulan
  pusa.tahol
agapan => pagkakamali
  mag_print "ang pagkakamali ay '#{pagkakamali}'"
wakas

ihinto

Gumamit ng 'hinto' kung may nais kang matapos na kondisyon gamit ang 'habang'

ihinto
hinto

Halimbawa

nakamit = mali

habang nakamit == mali
  mag_print 'hindi pa nakakamit!'
  hinto
wakas

mag_print 'nakamit na!'

sa

Ginagamit ang 'sa' kung nais mong matukoy ang kasulukuyang listahan

sa
sa_loob_ng
nasa
na_nasa

Halimbawa

Tignan ang para_sa

ganito

Ginagamit ang 'ganito' kung nais mong i konteksto ang kasulukuyang listahan

na_ganito
nang_ganito
ganito

Halimbawa

Tignan ang magbigay_daan, nakatukoy?

hanggang

Ang 'hanggang' ay magpapatuloy tumakbo hanggang maabot ang tamang kundisyon.

hanggang
hanggang_ang
mapa_hanggang

Halimbawa

pambilang = 0
panghuling_numero = 5
simula
  mag_print "Ang numero ay #{pambilang} na"
  pambilang += 1
wakas hanggang pambilang < panghuling_numero

maliban_na

malibang
maliban_na
maliban_ang

Halimbawa

mga_persona = [
  { pangalan: 'Gener', kasarian: 'lalaki' },
  { pangalan: 'Karmen', kasarian: 'babae' }
]

mga_persona.isaisahin ng_ganito |tao|
  malibang tao[:kasarian] == 'lalaki'
    mag_print "si #{tao[:pangalan]} ay babae!"
  maliban_dito
    mag_print "si #{tao[:pangalan]} ay lalaki!"
  wakas
wakas

o

Ang 'o' ay ginagamit upang piliin ang nagsasauli ng tama.

o
o_ang

Halimbawa

totoo o mali
=> totoo

katangian

Ang 'katangian' ay ginagamit upang makapag takda at makapag basa ng value sa katangian na ipinahayag sa loob ng grupo.

katangian
panguri

Halimbawa

bilang Robot
  katangian :pangalan, :kakayahan

  ang magpakilala
    mag_print <<-INTRO
        Ako ay isang Robot!
        Ang pangalan ko ay "#{sariling.pangalan}"
        Ako ay may kakayahang mag "#{sariling.kakayahan}"
    INTRO
  wakas
wakas

robot = Robot.gumawa
robot.pangalan = "bot-chukoy"
robot.kakayahan = "tambling"
robot.magpakilala

ulit-ulitin

Ang 'ulit-ulitin' ay ginagamit upang paikot-ikutin ang ekspresyon hanggang ihinto ito kapag natupad ang isang kondisyon.

paulit_ulit
ulit_ulitin

Halimbawa

pambilang = 0

paulit_ulit na_ganito
  ihinto kapag_ang pambilang == 10
  mag_print pambilang
  pambilang += 1
wakas

Pagtulong sa pagdedevelop ng Bato

Magpadala ng mga kahilingan sa paggawa ng ticket.

Lisensya

Instituto Ng Tekonolohiya sa Massachusetts License (makikita sa LICENSE.txt na file).